Wednesday, June 25, 2008

patay ako kina maam at sir,, tsk3

I'm back to writing again...

Thanks to online blogs. I got the enthusiasm to write again. I used to be so interested in writing before, way back when I was in eLementary and high school. Pero alam mo na, things change...

I'm now 4th year College, taking up Nursing. I only write now when it's required. And they're all limited now to reflection papers and the like. things college professors actually require you to write.

See, i neglected one thing that used to make me happy for about 3 or 4 years now. Well, I guess you will really never get over your first love, and writing is my first love. here i am again, coming back, feeling the same sweet familiar feeling i get whenever i write.

You know, I neglected writing by choice din naman. talagang pinili kong wag muna magsusulat. tutal naman Nursing naman ako. Di naman ako Journalism or AB Comm or something. naisip ko, dito na muna ako magcoconcentrate sa mga kailangan sa course ko. So sunog ng kilay sa Nursing naman talaga ang Lola mo.... Haay. But don't get me wrong ha. i love my course and i love the work associated with it,

Isa pang dahilan kaya inabandona ko muna ang pagsulat kasi ng high school, mukhang na-label ata ako eh. tipong ganito, "Sinong Lovely, ah, yung writer?" 'Nyeta, naging apelyido ko pa ngayon ang writer.... Aba!!! Well, ok naman sana. not everyone nakikilala sa ganyan kaya lang pakiramdam ko naging restricting na. Para bang wala na kong alam ibang gawinn kundi sumulat? Anong kala nila sakin, typewriter?! pag tinatanong anong course ko daw pag-College, lahat nag-aasssume Journalism daw, tutal naman writer daw ako. hmp! nag-Nursing nga ako. marami pa kong kayang gawin. ina-underestimate niyo naman ako eh.

So un na nga. talagang inilayo ko ang sarili ko deliberately from writing. Sinagad ko pa. Sabi nila pag magaling magsulat mahina sa salita. Aba, at nagpaka active tuloy ako sa reporting at public speaking and things related to that...

yun na nga kasi... Pero ganun talaga. Writer at heart pa rin talaga siguro ako. Di na ata talaga maaaLis un.

Haay naku, sigurado papatayin ako ng mga teacher ko sa English, Filipino, technical writing, thesis writing, at school paper adviser sa ginagawa ko.

kasi nilalabag ko na ata lahat ng tinuro nila. Sabi sakin be careful of punctuations and capitalizations mo. Ayun, tingnan mo nga kung may maayos pa niyan sa mga gawa ko dito. hahaha

Eto pa, dapat daw stick to one medium daw. English ka mag-start, English all throughout. Pero pano ba yan. Daig pa ang fruit salad sa paghahalu-halo ko ng English, Filipino, Bikol at salitang bakla sa mga gawa ko...

Eto pa, have a clear audience in mind. Ewan ba, sino ba kausap ko sa mga gawa ko, minsan parang Dear Diary, minsan parang may kausap ako isang tao, minsan marami, minsan parang sarili ko lang naman,,, Ay naku, ewan na. bahala na. Ang haba na nga ng blog post kong ito. may magtitiyaga pa bang basahin ito? parang kahit ako ayoko na eh... haay. Ewan na. ewan na talaga.

No comments: